Paghahanap sa ‘Ultimate Riding Wonder’ sinimulan na

SINIMULAN na ng Shell Advance at Ducati ang pag-iikot sa buong mundo upang mahanap ang “Ultimate Riding Wonder!”

Ang proyektong pinamagatang “The Seven Riding Wonders of the World” ay magbibigay ng pagkakataon ang mga rider mula sa iba’t ibang panig ng mundo na piliin ang kanilang pinakapaboritong road, track, o riding experience. Ang online voting ay hanggang Agosto 20.

Ang North Luzon Loop (ruta mula Quezon City hanggang Pagudpud) ay kabilang sa 22 route mula 18 bansa sa hanay na pagpipilian para sa titulo. Mula sa top seven ay pipiliin ang tatanghaling “The Ultimate Riding Wonder of the World.”

Magkakaroon din ng isang electronic raffle draw para sa mga nagparehistro at bumoto online, at ang mabubunot sa draw ay ipapadala sa Malaysia sa Oktubre upang mapanood ng live ang 2011 Shell Advance- MotoGP Malaysian GP.

Mamimigay din ang Shell ng consolation prizes – kabilang na rito ang limang limited edition na mga Ducati bags at model toy bikes.

Para bumoto maglog-in lamang sa www.shell.com.ph/7ridingwonders.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply