Thematic program isusulong

SA LAYUNING maisulong upang mai-promote ang isang bagong ginagawang access road na mag-uugnay sa mga lalawigan ng Zambales at Pangasinan ay isang expedition run ang isinagawa ng motocross racing team at 4 wheel off-road vehicle riders nitong nakaraang Sabado na sinimulan sa bayan ng Mangatarem, Pangasinan.

Ang naturang 54-kilometer access road na maputik at tanging mga 4×4 vehicle at motocross bikes pa lamang ang kayang bumaybay sa kasalukuyan ay nilakbay nang halos pitong oras ng mga rider.

Sumama rin sa paglalakbay sina Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr. at Pangasinan 2nd District Congressman Leopoldo Bataoil, kasama ang mga rider ng Angeles City 4 wheel Drive Club sa pangunguna ng presidente ng grupo na si Edison Dungca, Bulacan Valenzuela 4×4 club, RSM motocross racing team na pinamunuan ni Enduro king Jimboy Marcelo, kasama na rin ang mga four wheel enthusiast mula sa Zambales at Pangasinan.

o0o

Naghanda ang Mapecon Green Charcoal Philippines, sa pakikipagtulungan ng National Commission on Urban Pest Control ng environmental paper, sa mithiing mahikayat ang interes ng publiko para sa boluntaryong serbisyo upang  makatulong sa paghahanda ng kahalagahan ng managed environment sa pamamagitan ng thematic program.

Ang programang may pamagat na “Modern Indigenous Proven Solutions” (MIPS) ay naglalayong makahanap ng solusyon sa problema sa basura, peste at iba pang environmental concerns o suliranin. Layunin nitong malinis ang forest waste sa pamamagitan ng organic vermin composting na nagpoprodyus ng organic fertilizer gamit ang green charcoal technology alinsunod sa Article 1, Section 1 ng Republic Act 9003 o Solid Waste Management Law.

Ang Green Charcoal technology, paliwanag ni Gonzalo Catan, Jr., MGCPI executive vice president, ay kaugnay sa pag-convert sa bio-waste patungo sa Green Charcoal sa farm pellets, fire log at briquettes.

Ayon pa kay Catan, ito ay energy efficient, eco-friendly at ligtas na alternatibo sa LPG dahil inilalayo nito ang mga gumagamit sa panganib ng pagsabog.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply