Tindero natagpuang patay sa sariling bahay

PALAISIPAN pa sa mga awtoridad ang pagkamatay ng isang tindero sa sarili nitong bahay sa Quezon City Linggo ng gabi.

Ang biktima ay kinilala na si Carlos Rubio, 68 at residente ng Panay Avenue, Barangay Paligsahan Q.C.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 10-Kamuning, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-9:00 ng gabi.

Agad na ipinagbigay-alam ni Reylando Tuazon, kapitbhay ni Rubio, sa pulisya ang nangyari matapos na makita ang biktima na nakahandusay sa sarili nitong tanahan.

Iniimbestigahan na ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang dahilan ng pagkamatay ng biktima at kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply