Tiyak na kaiinsekyuran ng co-kapamilya youngstars: Darna ibinigay kay Jessy Mendiola

DAHIL karamihan sa rights ng mga classic na nobela ni late Mars Ravelo ay nasa ABS-CBN na, natural lang na kasama roon ang isa sa pinakasikat na novel ni Tito Mars na Pinay hero na si Darna.

Ang choice raw ng Kapamilya network na magbida rito ay walang iba kundi si Jessy Mendiola na nagbida na rin noon sa “Sabel.” Naku! Kapag kay Jessy talaga napunta ang said project tiyak na kaiinsekyuran siya ng mga kapuwa Kapamilya youngstar lalo na ‘yung mga mas senior pa sa kanya like Bea Alonzo, Anne Curtis, Kim Chiu, Erich Gonzales etc.

Pero, kung ‘yun talaga ang magiging desisyon ng management, aba’y nakitaan siguro nila ng “K” ang tisay na young actress kaya sa kanya ibinigay ang project.

At dahil pre-sold na ang fantaseryeng ito ay tiyak na ito na ang magbibigay ng stardom kay Jessy.

Samantala, tungkol naman sa isyung pinag-aagawan siya (Jessy) nina Gerald Anderson at isang guwapo at matangkad na member ng Azkals Team, parehong itinanggi ng magandang young actress ang dalawa.

Si Gerald daw ay friends lang sila at magkasama ngayon sa isang proyekto samantalang hindi pa naman daw nito nami-meet in person ang ini-lilink sa kanyang miyembro ng Azkals. Loud and clear gyud!

***

Simula na ng selebrasyon sa 32nd anniversary ng Eat Bulaga

LAST Saturday ay sinimulan na ng number one and longest-running noontime variety show na Eat Bulaga ang pagsi-celebrate ng kanilang 32nd anniversary. Yes, mahigit tatlong dekada na sa ere ang Eat Bulaga kung saan nagsimula sila sa sikat na sikat pa noong RPN-9 noong July 30, 1979. Matatandaang aside sa famous trio Dabarkads nating sina Tito, Vic and Joey, ka-join din nila noon si Coney Reyes-Mumar na sinundan ni Chiqui Hollman-Yulo, na mga tumagal ng maraming taon sa show.

At dahil anibersaryo nila noong Sabado, tumataginting na 100,000 cash ang pinagkaloob ni Bossing Vic Sotto at ng Bulaga sa residente ng Barangay 587, 587-A 588 Zone 53 Guadal Canal Ext. Sta Mesa Manila.

At ang masuwerteng ginang ay si Zosima na tubong Leyte. Kalunus-lunos ang buhay ng pamilya ni Aling Zosima dahil kinasuhan sila at ibinaba na ang hatol ng korte sa hindi nila pagbabayad ng renta sa inuupuhang bahay na umabot na sa halagang mahigit 30,000. Anyway, dahil sa Bulaga at public service segment na programa na “Juan for All, All for Juan” sugod-bahay sa Barangay, nasagot na ang mabigat na problema ni Aling Zosima sa bahay ay may malaking halaga pang natira sa kanya sa 100,000 na puwede niyang magamit sa munting negosyo. Hindi lang ‘yan lahat pa ng lamang appliances sa EB truck ay ibinigay sa kanya ni Bossing. Kasama pa rito ang kaloob sa kanya ng Coca-Cola na 5k at mga masasarap na food with matching lechon pa at malamig na Coca-Cola softdrink, groceries, 2 sacks of rice plus 5,000 gift certi- ficate from Puregold Jr.

Napaka-suwerteng tunay ni Ginang Zosima dahil siya ang unang tumanggap sa Super-Super Surprise ni Bossing at ng Eat Bulaga Dabarkads. Congrats sa iyo gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply