Toni Gonzaga handa nang pakasalan ni Direk Paul Soriano

PILIT na pilit yung pagpapakontrobersyal, na may paiyak-iyak pa, ni Maja Salvador complaining dun sa intrigang pinatulan niya si Direk Paul Soriano sa tonong hindi raw maganda yung isyung parang nang-aagaw siya ng dyowa ng may dyowa.

Sa true, alam naman ng marami, na open secret na silang dalawa ni Matteo Guidicelli ay may relasyon na. Kaya nga nakapagtatakang iniyakan pa ni Maja yung kung tutuusin ay gapuwing lang na intriga kumpara sa ibang napagdaanan na niya.

Para lang mai-promote yung indie movie niya, ganun?

Anyway, binaril na agad at ayaw na sigurong palawigin pa ni Direk Paul Soriano ang isyu.

Malinaw na malinaw yung dating ng mga statements ni direk na si Toni Gonzaga lang ang babaing mahal niya’t wala ng iba pa.

Na habang panay ang dakdak ni Maja tungkol sa aniya’s isyu, ayan na nga si direk, parang nagsabi ng ‘wag na yan, ayaw ko niyan.’

Haba ng hair ng anak ni Mommy Pinty!

Tahasang sinabi ni Direk Paul Soriano na ready na siyang mag-asawa at hinihintay lang niya ang girlfriend na si Toni Gonzaga na maging handa rin.

Thirty years old na si direk ngayon at si Toni naman, 27. Matatandaang nagpahayag na ang TV host-actress kamakailan na three years pa bago siya pumasok sa pag-aasawa at willing siyang hintayin ng boyfriend.

“Well for me talaga I’m ready, eh, honestly ready na ako, I think. I’m starting out a good career, I’m saving, nag-iipon ako, I’m saving my money.

I’m just waiting for her to be ready because I don’t want to force her, I don’t want to rush her. Seryoso ang marriage, eh. Marriage, forever ’yan, eh, for the rest of your life.”

Ayon kay Toni in a recent interview, wala raw deadline ang marriage, na inayunan naman ni direk.

“Exactly! That’s why for me, honestly talaga, ’pag-ready si Toni, ready na ako.”

Ngayon ba, hindi pa ready si Toni?

“Si Toni, she’s concentrating on her career, eh, and I can’t blame her. She’s worked so hard to get to where she is today. I don’t want to come in between that, so, I want her to tell me ’pag ready na siya, then we can start talking about it. I want to be an inspiration to her career rather than  a hindrance.”

Natanong din si direk kung wala ba siyang interes na maging artista at makapareha ang  girlfriend dahil leading man material siya at sa totoo lang, puwede niyang pataubin ang ibang leading men natin dahil sa angking kaguwapuhan.

“Well, at this point talaga, I’m really trying to establish myself as a director. Maybe down the line, if I’m really known as a director, then I maybe do cameo-cameo, okay lang. Pero as of now…

“I remember, in (My) Amnesia Girl (movie nina Toni at John Lloyd Cruz), they asked me to do a cameo, kasi, ’di ba, parang ’yung pangalan ni John Lloyd (sa movie), parang John Paul, Polo, eh.

“Sabi ni Toni… well, actually, ako rin, ’di pumayag, eh. I want to be comfortable, eh, when I do it, baka hindi pa ready. ’Coz I know if I’m not comfortable, I won’t do well, eh.”

Bakit hindi siya comfortable?

“In front of the camera, medyo, wala, eh, I become shy, I shut down, oo. Mas sanay ako behind the cameras. Actually, lahat ’to, new to me, eh,” pahayag niya.

Natanong din siya kung willing ba siyang idirek si Toni sa susunod niyang films at aniya, okay sila off-cam ng girlfriend at mas maganda na raw siguro ’yun.

So there!

***

Aral sa mga artistang magulang sina Daniel Padilla at Diego Loyzaga

DALAWA sa cast ng “Growing Up,” yung youth-oriented tv show sa ABS-CBN na slated na to start September 4, katapat ng “Tween Hearts” ng GMA 7, ay mga anak ng mga artista.

Si Daniel Padilla ay anak nina Rommel Padilla at Karla Estrada at si Diego Loyzaga naman ay anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

Among the batch puwede kayang sabihing may bentahe sila sa ibang mga nag-aartista dahil nga parang lumabas that stardom is being served to them in a silver platter?

Ngayong nag-aartista na rin si Daniel, ano ang ipinayo sa kanya ng kanyang mga magulang?

“Sabi ni Mama sa akin, huwag ko raw sasayangin yung opportunity.

“Kasi sobrang dami raw ang gustong mag-artista, yung sumasali sa mga artista search, pumipila pa sa audition.

“Ako, hindi ko narasanan yun. Go-see, go-see lang ako, tapos nakuha, ganun.

“At saka galingan ko raw ang pag-arte ko. At maging marespeto raw ako sa mga beteranong artista.

“Si Papa naman, ang advice niya sa akin, hindi raw dapat nawawala sa akin yung pagsasalita ng po at opo.

“Kahit sino raw ang kausap ko, dapat daw lagi akong magalang. Huwag daw akong mambabastos ng mas matanda sa akin,” saad ni Daniel.

Sa naturang serye, gumaganap siya rito bilang si Patrick, ang “heartthrob na bad boy.” Kapareha niya rito ang young actress na si Kathryn Bernardo.

Happy si Daniel na si Kathryn ang ibinigay ng Kapamilya. Mabait daw kasi ito at kasundo naman niya. “Click po kami,” sabi pa niya.

Bago naman pinasok ng baguhang young actor na si Diego Loyzaga ang showbiz ay binigyan daw muna siya ng advice para sa kanyang career ng inang si Teresa Loyzaga, dating aktres at singer.

Sobrang dami nga raw ng advice nito sa kanya.

“Isang book ito. Isang makapal na book na parang novel ito!” natatawang sabi ni Diego sa presscon ng Growing Up.

Anong hindi niya malilimutan na advice ng kanyang mommy?

“A, yung be careful lang po. Paano ko ba sasabihin ito? Basta ang sabi niya po, mag-ingat ako.

“Kasi, kung ako raw po ay hindi umiinom ng alak, tapos may kasama akong mga barkada na umiinom, kung may makakakita raw, iisipin na umiinom din ako. Ganyan, ganyan.

“Lahat ng pinagdaanan ni Mommy nung nasa showbiz pa siya, lahat ‘yan sinabi niya sa akin.

“At sinabi niya, ‘Huwag mong gawin ito. ‘Ako natuto na ako rito. Ngayon, ikaw, it’s your turn naman,'” sabi pa raw ng kanyang mommy.

“Pero, of course naman, as ano, hindi naman ako hard-headed as a child.

“Pero, of course naman as a teenager, I say to her, ‘Mom naman… I mean, we all go through this, di ba? So, dapat ako rin maranasan ko in my own way.’

“‘Alam ko na sinasabi mo sa akin. Pero naman, kahit ilang beses mong ulit-ulitin sa akin, hindi pa rin ano… maiiwasan. Pagdadaanan ko pa rin. So, parang ano tanggapin na natin.’

“Pero salamat na lang at binibigyan niya ako ng advice. At araw-araw itong advice na ito.

“Lahat na po, buong buhay ko may advice siya po.”

Ang daddy ni Diego na si Cesar Montano ay isang award-winning actor.

Dahil anak siya ni Cesar, hindi maiiwasang i-compare siya rito. May pressure ba kapag ikinukumpara siya sa kanyang ama?

“Lagpas pressure po. Anong word ang lagpas pressure? Yun yung feeling ko po!” natatawang sagot ni Diego

“Kapag tinatanong po ako, ‘Ano ba ang mga talents mo? Yung mommy mo marunong kumanta. Marunong ka bang kumanta?’

“Medyo po!’ Gaganyan lang ako. ‘Konti naman. Oo naman. Kapag pinilit mo, puwede naman.”

“‘Daddy mo, action star, ikaw marunong ka bang umakting?’

“‘Medyo po. Okey naman po. Palaging ganyan po ang sagot ko.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply