Top pick Casio sa Powerade, Paul Lee sa ROS

SI National team scorer JV Casio ang tinanghal na top choice sa ginanap na PBA Draft na kung saan si JV Casio ang nakuha ng Powerade Tigers, habang dagdag na sentinel sa Rain or Shine Elastopainters si former Red Warrior point guard na si Paul Lee sa ginanap na PBA Rookie Draft sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Dagdag na puwersa si 5’9” point guard Casio sa koponan ni Coach Bo Perasol sa pagbubukas ng Commissioner’s Cup sa Oktubre 2 sa Smart Araneta Coliseum.

Bukod kay Casio, isa pang main stay ng Smart Gilas National na si Marcio
Lassitir na 4th pick ang nakuha ng Tigers.

Si Mark Barroca ang napili ng bagong Shopinas.com Clickers bukod kina Magi Sison at Marc Caguco.

Sina Marnel Barakael ay nasa Alaska habang si Jason Ballesteros ay napunta sa Meralco Boltz.

Ang dalawa pa sa first round na sina powerforward Reil Cervantes ng Far Eastern University ay magsusuot ng Ginebra jersey habang si ex-UST forward Dylan Ababu ay Barako maglalaro.

Ang tatlo pang mabibigat na karagdagan sa lineup ng Alaska Aces ay sina Eric Salamat, Ariel Nepana at guard Julius Pasculada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply