Top to bottom revemp ang dapat sa BOC

TINAPOS na ni Pang. Noynoy Aquino lll ang pananahimik sa panawagan na palitan na si Customs Commissioner Angelito Alvarez.

Ngunit bitin ang pahayag ng Pangulo nang itangging pangalanan ang papalit sa kontrobersyal na boss ng Bureau of Customs.

Yari si Alvarez sa mga batikos ng mga mambabatas na pinulot lang naman ng media dahil sa mga nawawalang container van.

Mahigit 2,000 container vans ang nadiskubreng ‘naglaho’ na magbibigay sana ng mahigit P200 milyong buwis sa bayan.

Pero ayon na rin sa papaalis na BOC chief, ang nawawalang mahigit sa 2,000 container vans ay  ‘tip of the iceberg’ lang.

Mahigit 3,000 container vans pa, ayon kay Alvarez ang kanyang nadiskubre na nawawala sa panahon ng Arroyo administration.

Huli na ang ulat at pahayag na ito ni Alvarez dahil naanunsyo na siya’y sisibakin na. Maliban lang kung magbabago ang isip ni PNoy.

Ang kanyang ‘discovery’ ay magiging trabaho na ng papalit sa kanyang bossing ng BOC na si dating Cong. Ruffy Biazon daw.

Aalis si Alvarez at papalitan ng iba. Ang ganitong sitwasyon ay ‘di na bago sa BOC dahil sa korapsiyon na ‘di masawa-sawata.

Sa kasaysayan, walang naging hepe ng Aduana na nagtagumpay para mapatakbo nito nang maayos ang naturang ahensya.

Kailanman ay ‘di naabot ang target collection ng ahensya dahil sa katiwalian na ‘di nasugpo ng kahit sinong naging kumisyoner.

Dapat na sigurong gumamit ng kamay na bakal ang administrasyon para masupil na ang mga namamayagpag na tiwali sa BOC.

Upang magtagumpay ang kampanya laban sa katiwalian, dapat sigurong iutos ni PNoy ang ‘top to bottom’ revamp sa BOC.

‘Di lang siguro si Alvarez ang dapat tanggalin, kundi ang lahat ng kasalukuyang mga opisyal na nagpapatakbo ng ahensya.

Kaakibat ng revamp ay ang pagpapairal ng makatotohanang imbestigasyon para makulong ang mga kawatan.

Sa ganitong paraan, nakikinita natin na magtatagumpay ang ‘Tuwid na Daan’ na isinusulong ng Aquino administration.

Pangulong Aquino, political will ang dapat sa katulad ng ating bansang lima singko ang mga korap sa pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply