‘Torture cops’ iniimbestigahan na

SINIMULAN na ang imbestigasyon ng binuong Task Force Blue sa alegasyon na tinorture umano ng ilang miyembro ng Manila Police District-Blumentritt PCP (Station 3) ang dalawang preso  na nauna nang inaresto dahil sa panghoholdap.

Nabatid kay Task Force Blue Action Officer at MPD spokesman Chief Insp. Erwin Margarejo, kasama ang kinatawan mula sa Commission on Human Rights ay kinunan na nila ng statements ang mga na-torture na sina Jerry Diaz at Rommel Perez.

Ayon pa kay Margarejo, hawak na nila ang statement ng testigo at mga pulis na on duty noong isinagawa ang pag-torture kay Diaz at Perez.

Maging ang sinasabing errand boy ng mga pulis na nagsasabing aksidenteng nakabuhos ng kumukulong mantika sa dalawang suspek habang isinasailalim sila sa imbestiagsyon ay nakunan na rin ng statement.

Nanindigan naman sina Perez at Diaz sa kanilang sinumpaang salaysay na binuhusan sila ng mga pulis ng kumukulong mantika para umamin lamang sila sa kasong robbery. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply