Trabaho hindi lang para sa OFW

NASAAN ang trabaho sa repablik ni Juan?

Tinatanong natin ito, Suki, dahil sa paglabas ng isang sarbey na nagsasabing posibleng umaabot na sa nasa 12 milyon ang tambay dahil sa kawalan ng trabaho.

Op kors, unang reaksyon nina PNoy ang pagpapasinungaling sa sarbey na ito.

Pero kung mamamasyal ka sa mga barangay, diyan mo talaga makikita ang buong katotohanan ukol dito.

oOo

Katwiran ng mga KKK ni PNoy, marami ang trabaho, kaya lang, malaki ang mismats.

Ang mismats ay ang hindi pagtutugma ng kaalaman at kakayahan ng mga obrero sa mga bukas na hanapbuhay na matatagpuan sa mga pabrika at iba pang naghahanap ng mga trabahador.

Pero kung ikaw ay ordinaryong aplikante, damang-dama mo talaga ang no bekansi kahit saan kaya naglipana ang mga tambay.

Yung mga KKK lang ang may tiyak at magandang  trabaho at ang mga kamag-anak at kaibigan nila.

oOo

Tungkol pa rin sa mis-mats sa trabaho, grabe talaga ito.

Unang mismats: sa bawat 500,000 na gumagradweyt sa kolehiyo taon-taon, kalahati lang ang nakapapasok sa trabaho.

Ikalawang mismats: kung may trabaho ka naman, hanggang limang buwan ka lang dahil sa kontraktuwalisasyon.

Ikatlong mismats: gustong lumikha ang gobyerno ng trabaho pero hindi naman pala ito gumagastos kahit para sa Public-Private Partnership nito na may P800 bilyong pondo.

Ikaapat na mismats: yang maghanap ng kabulukan nina Gloripie at suspek sa pagpatay kay Ninoy ang pinagkakaabalahan nina PNoy at hindi ang paglikha ng trabaho.

Lumalayas tuloy si Juan para mag-OFW harangin mo man siya ng giyera.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply