Training camp ng NPA winasak ng militar

WINASAK ng militar ang training camp ng New People’s Army (NPA) makaraan ang isang oras na sagupaan laban sa tinatayang 50 armadong rebelde sa Sitio Balagbag, Barangay Dimanayat sa bayan ng San Luis, Baler, Quezon.

Napinsala ng mga tropa ng 48th Infantry (Guardians) Battalion ng Philippine Army (PA) ang NPA training camp na iniulat na binubuo ng ilang pansamantalang kubo.

Nakuha umano ng mga sundalo ang makakapal na dokumenteng subersibo at isang bag na puno ng mga pampasabog.

Natuklasan din sa lugar ang ilang landmines na inilatag ng mga rebeldeng komunista.

Ipinag-utos ni Maj. Gen. Ireneo Espino, pinuno ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, na nakabase sa Fort Ramon Magsaysay sa Palayan City, ang madaliang pagsasagawa ng pagtugis laban sa mga tumatakas ng rebelde.

Napag-alamang tatlong platoon ang pinadala upang mapalakas ang hukbong militar na kumikilos sa Barangay Dimanayat.

Iniulat ni Lt. Col. Kurt Decapia, 48th Infantry Battalion (IB) commanding officer, na nagtagpo sa pagitan ng kanyang mga tauhan at ng mga rebeldeng NPA sa bulubunduking bahagi ng Barangay Dimanayat.

Nagkataong nakita ng platoon Charlie Company ng 48th IB, na pinangunahan ni Lt. Edwin Lauro, ang kampo ng NPA.

Matapos ang putukan ay di pa malamang bilang ng mga rebeldeng NPA ang iniulat na napatay.

Nasugatan sa bahagi ng Army troopers  si PFC Erwin Dacayo ng Guimba, Nueva Ecija, na tinamaan ng dalawang bala sa kanyang tiyan. Agad dinala si Dacayo sa Aurora Memorial Hospital upang malunasan.

Inilipat si Dacayo sa AFP Medical Center sa Quezon City, kung saan siya ooperahan upang alisin ang dalawang bala na nakabaon sa kanyang tiyan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply