Training ng mga police recruit bibisitahin ng CHR

BIBISITAHIN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga pagsasanay ng mga bagong recruit na pulis sa Camp Eldridge sa Los Baños, Laguna, kung saan naganap ang pinakahuling kontrobersya ukol sa hazing sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay CHR Commissioner Loretta Rosales, makikipag-ugnayan sila sa human right affairs department ng PNP para makita ang mga nangyayari sa 17 training camp ng pulisya.

Matatandaang base sa naipakitang video, matinding torture ang inabot ng mga police recruit sa kamay ng kanilang mga trainer.

Gusto ring malaman ng CHR kung ano ang sistema ng pamamalakad ng PNP.

Sinabi rin ni Rosales, nakaaalarma na ang mga kaso ng hazing sa bansa.

Samantala, agad namang inilagay ng liderato ng PNP sa restrictive custody ang mga sangkot na pulis upang masigurong makadadalo sa anumang gagawing imbestigasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply