Training ni Pacquiao madugo!

MADUGO ang inihahandang training ni coach Freddie Roach para kay Manny Pacquiao.

Kilala si Pacquiao na nagdaraos ng 6 week camp ngunit bigla umanong nagbago ang ihip ng hangin.

“Usually he has to be talked into doing a full eight weeks. That is not the case this time around,” ayon sa official statement ng Pambansang Kamao na sinulat ni Timothy James sa website ng boksingero.

Ayon kay James, gigil na si Pacquiao na magsanay at para gusto na nitong makipagsapakan na kay Juan Manuel Marquez.

“Pacquiao has a fire in his belly. He has said that Marquez irritates him,” ani James.

Bigla na lamang inanunsyo ni Pacman na magsisimula na sila ng training ngayong araw na ito.

Sisimulan  na rin naman umano ang pags-shooting ng The Road To Marquez na isang feature story tungkol sa dalawa.

Ang footage na ito ay mapapanood lamang sa official website ng Pambansang Kamao na www.MP8.ph.

Ngayong araw na ito bandang 4:00 pm ay sisipa na ang training sa Rizal Park sa Malate kung tampok ang jogging, light punching, warm ups, at abs.

Nabatid na ang workout ni Pacquiao sa Malate ay aabot ng mga dalawang oras.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply