Transport holiday ikakasa sa overpricing ng langis

MAGLULUNSAD ng malawakang transport holiday ang transport group na Pinag-Isang Tsuper Opereytor Nationwide (PISTON) sa susunod na linggo o buwan dahil sa kakarampot na P0.50 oil price rollback na isinagawa ng mga kumpanya ng langis sa bansa.

Sinabi ni PISTON Sec. General George San Mateo, sa kabila nito, halos umaabot na sa P8.37 hanggang P9.22 ang overpricing sa kada litro ng petrolyo batay na rin sa pag-aaral ng Bagong Alyansang Makabayan.

Bago ito,nagsagawa na ng noise barrage noong Aug.2, ang grupo ng PISTON sa Divisoria, Baclaran sa Roxas Blvd.  Sa tapat ng Diplomat Bldg. na nilahukan ng may 100 kasapi.

Ang naturang kilos protesta ay bilang pagkondena sa patuloy na overpricing ng big 3 oil cartels at ibang mga oil players sa bansa.

Kinondena din ang pagwalang bahala ng pamahalaan sa oil deregulation law at vat on oil.

Aniya, handa–handa na ang grupo ng PISTON at ibang samahan ng transportasyon sa ikinakasang transport holiday para ipabatid kay PNoy na hindi makatarungan ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng langis na  sobra pa rin ang halaga nito at malaking pahirap kay Juan Dela Cruz.

Lumilitaw naman na sa pagbaba ng presyo sa Asia ay bunsod ng Brent prices ng hanggang  $150 kada barrel.

Kahit inaasahan ang karagdagan ng  Brent benchmark sa  crude prices ay may impact ito  sa local fuel prices,

Nabatid na ginagamit ng Pilipinas ang Dubai crude benchmark para sa presyo ng krudo habang ang Brent ay ginagamit ng malawak ng benchmark sa Europe.

Sa kabila nito, batay sa pag-aaral ng PISTON, overpricing pa rin ang halaga ng produktong petrolyo at gasoline sa nagaganap na rollback at pagtaas ng langis sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply