Trap kontra lamok ipinakalat sa Kyusi

DAHIL sa perhuwisyo na dala ng lamok ay nagpakalat na ang Quezon City katuwang ang Department of Science and Technology at Department of Health ng 3,000 ovi/larvicidal trap sa mga lugar na may mataas na kaso ng dengue sa lungsod.

Ayon kay Dr. Antonieta Inumberable, head ng Quezon City Health department, ang trap ay isang Filipino made organic trap system na inilalagay sa tubig na posibleng pamugaran ng lamok na nagtataglay ng dengue.

Sinabi pa ni Inumerable oras aniya na mailagay ang ovi larvicidal trap ay agad nang mamamatay ang itlog at larva ng lamok.

Ilan sa mga lugar na itinuturing na priority ng pamahalaang lungsod ng QC ay ang Barangay Bagbag, San Bartolome, Gulod, Commonwealth, Batasan Hills at Holy Spirit.

Sabay-sabay din aniya ang kanilang chemical sparying ng larvicide at adulticide sa mga prayoridad na barangay.

Ayon kay Innumerable, nasa alert threehold level na ngayon ang QC na ibig sabihin ay pinapayuhan ang lahat ng mga residente na maglinis ng bakuran dahil sa tumataas na kaso ng dengue.

Base sa pinakahuling talaan ng QC health department, as of August 4 ay pumalo na sa 3,161 na kaso ang kanilang naitatala mula Enero kung saan mas mataas ito sa 1,264 na kaso na naitala noong 2010.

Umakyat na rin sa 23 katao ang namamatay ngayong taon dahil sa dengue kumpara sa 13 noong nakaraang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply