Tricycle driver inutas ng siningil na pasahero

PATAY ang tricycle driver matapos saksakin ng hindi pa nakilalang pasahero nang magtalo sa pamasahe sa Caloocan City, Linggo ng madaling-araw.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Jesusito Velasco, 35, ng Phase 7-B, Bagong Silang, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 3 ng madaling araw, nagpahatid ang suspek sa Altoveros Covered Court sa Phase 7-B, Bagong Silang.

Pagsapit sa nasabing lugar ay bumaba ang suspek at nagbayad subalit nakulangan sa bayad ang biktima na naging dahilan ng kanilang pagtatalo.

Dito na nagbunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima bago tumakas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply