Tricycle driver utas sa harap ng anak

PATAY ang isang tricycle driver matapos pagtulungan pagsasaksakin ng isang grupo kasama ang tanod habang ang una ay naglalakad kasama ang anak na babae sa Caloocan City Martes ng gabi, Agosto 30.

Hindi na umabot nang buhay sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Joseph Castillo, 29, ng Libis Talisay ng lungsod.

Pinaghahanap naman ang barangay tanod na si Roy Mandaguit at mga kabarkadang sina Noel Santos; Erick Margarita at isang alyas Jess.

Batay sa ulat, dakong 9:15 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ang anak na babae sa Kapak Alley ng lungsod nang harangin ng mga suspek at pagtulungan pagsasaksakin.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply