Trike driver lumipad sa jet blast sa Kalibo

LUMIPAD ng ilang metro ang isang tricycle driver na ngayon ay nasa malubhang kalagayan matapos mabugahan ng malakas na hangin mula sa papalipad na eroplano sa Kalibo International Airport sa ulat pulisya,

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, duguan nang damputin at dalhin sa provincial hospital si Nestor Villanueva, 37, ng Brgy. Ochando, New Washington, Aklan.

Sinasabing biktima ang lalaki ng jet blast sa isang palayan sa Brgy. Nalook, Kalibo, Aklan na nagresulta upang magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan .

Nabatid na papauwi na sana ang trike driver sa kanilang lugar nang dumaan ito sa kalsada malapit sa airport kung saan nasapul siya ng jet blast ng pa-take-off na eroplano na nagresulta sa aksidente.

Sa ngayon, nananatiling naka-confine ang biktima sa surgical ward ng naturang ospital.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply