Trillanes kay De Lima: ‘Mag-resign ka na’

MATINDI ang panawagan ni Sen. Antonio Trillanes IV kay Justice Secretary Leila de Lima na kaagad magbitiw sa tungkulin dahil wala naman umano itong nagagawang tulong sa administrasyon partikular sa kasong nakabinbin sa kanyang tanggapan.

Sa interview matapos ang pagdinig ng Senado sa Freedom of Information Bill, sinabi ni Trillanes na wala pang umuusad na kasong naisampa sa tanggapan (Department of Justice) ni De Lima, labing-apat na buwan na ang nakakalipas kaya nararapat na itong magbitiw sa puwesto.

“I hope that she would resign. We gave her enough time to do her job, but nothing has been done in 14 months she’s been the justice secretary,” wika ni Trillanes..

Ayon kay Trillanes, wala umanong kusang-palo si De Lima sa pagsasampa ng kasong dapat isampa sa sinumang tiwaling opisyal ng pamahalaan bagkus sumasandal lamang sa kasong inihahain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC) kabilang ang pribadong grupo.

“All cases filed in her department are initiated by the BIR, by the Bureau of Customs, and private groups. In fact, where are the plunder cases filed before DOJ several months ago?” diin pa ni Trillanes

“She is sitting on her job,” dagdag ni Trillanes.

Naniniwala si Trillanes na kung talagang gusto ng Palasyo na gamitin ang serbisyo ni De Lima, dapat italaga na lamang itong tagapagsalita ng Palasyo.

“To her credit, she is good in speaking. I believe Malacañang, if they really want to make use of the services of Secretary De Lima, she should be assign as the press spokesperson,” ayon kayTrillanes.

“Kung paramihan lang ng presscon yung criteria eh talagang siya na ang pinakamagaling na secreatry pero hindi yun eh, ang trabaho niya is to file cases which she has yet to do after 14 months,” patutsada pa ng senador.

Ngunit, hinamon din ng senador ang kalihim na patunayan nitong nagkakamali siya sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso sa korte gaya ng plunder at iba pa sa nasasangkot sa mga anomalya sa nakaraang administrasyon.

“She can prove me wrong by filing all the cases pending in her office. I am daring her to prove me wrong na may ginagawa siya. Kung sinasabi niyang she’s asking for time, ilan na yun, years na, that is to much,” aniya.

“Performance wise, she did nothing. Magaling talaga, She was projected well by the media and yun nga meron siyang friends,” patapos ng senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply