TRO sa mga Genuino ibinasura ng SC

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang hiniling na temporary restraining order (TRO) ni dating Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chairman Efraim Genuino at dalawang anak nito kaugnay sa hold departure order (HDO) na inilabas ng Department of Justice (DoJ) laban sa kanila.

Batay sa resolusyon ng korte, binigyan ng sampung araw sina Justice Secretary Leila de Lima, state counsel Ricardo Paras at kasalukuyang Pagcor chief Cristino Naguiat at ang Bureau of Immigration (BI) para magsumite ng komento sa petition for certiorari and prohibition with application for temporary restraining order (TRO) na inihain nina Genuino.

Ang dating Pagcor chief at mga anak nito na sina Erwin at Sheryl ay dinagdagan ng HDO makaraang masampahan ng kasong plunder sa DoJ kaugnay sa umano’y hindi tamang paggamit ng P186 milyon, na umano’y inilaan bilang campaign fund para sa pagtakbo ni dating Pangulong Gloria Maccapagal-Arroyo sa pagka-Pangulo noong 2004.

Iginiit naman ng kampo ng mga Genuino na bukod sa nilalabag ng HDO ang kanilang karapatan na bumiyahe, wala ring batayan ang kautusan dahil hindi pa naman probable cause ang mga kasong kinakaharap nila sa DoJ at may nagawa rin umanong grave abuse of discretion ang DoJ sa pagpapairal ng HDO.

Sa petisyon, hiniling din ng mga Genuino na mapawalang-bisa na nang tuluyan ang kautusan laban sa kanila, gayundin ang DoJ Circular No. 041-10 na nagbibigay kapangyarihan sa DOJ na magpalabas ng HDO at watchlist order dahil iyon umano ay labag sa Saligang Batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply