TRO sa smoking ban inilabas

DAGOK sa kampanya ng Metro Manila Development Authority (MMDA) laban sa paninigarilyo ang inilabas na Temporary Restraining Order ng Mandaluyong RTC Branch 213 na inisyu ni Judge Carlos Valenzuela.

Ang TRO ay nagpapatigil sa MMDA na manghuli sa mga bukas na lugar na hindi sakop ng kahulugan ng publikong lugar sa ilalim ng RA 9211 o ang Tobacco Regulation Act of 2003 sa loob ng 20 araw.

Bunsod ito ng TRO na hiniling ng dalawang petitioners na nahuli ng MMDA kamakailan na nakilalang sina Antony Clemente at Vrianne Lamson.

Ayon sa abogado ng dalawa, hiniling nila sa korte ang TRO at preliminary injunction laban sa kampanya ng MMDA dahil ang mga lugar ng kampanya ay hindi nababatay sa inilalarawan ng batas.

Ani Judge Valenzuela sa kanyang resolusyon: “Nakita ng hukumang ito ang pangangailangan at kahalagahan na pigilin ang kampanya upang maiwasan ang kawalang hustisya at di na maibabalik na kasiraan na maaaring matamo di lamang ng mga petisyuner kundi ng mga inosenteng publiko.”

Maaari din umanong maghain ang MMDA ng motion for reconsideration upang mabaliktad ang desisyung ito ng korte. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply