Tropang Texters, Petron Blaze sa best-of-7 finals

PINATAHIMIK ng Barangay Ginebra ang Rain Or Shine, 103-95, sa last game ng PBA Governors’ Cup sa Smart-Araneta Coliseum Biyernes ng gabi para ibigay sa sister team na Petron Blaze Boostres ang panglawang slot sa championships at ang karapatang makaharap ang grand slam seeking na Talk N’ Text.

Ang best-of-7 finals sa pagitan ng Tropang Texters at Petron Blaze Boosters ay magsisimula sa Linggo dakong ala-siyete ng gabi sa Big Dome.

Tanging ang boosters ni coach Ato Agustin ang nakapagpabagsak sa Texters ni coach Chot Reyes ng dalawang beses. Una noong Mayo 9, sa iskor na 101-96 at nitong Biyernes, 98-83, sa pagbibida ni import Anthony Grundy na pumuntos ng kanyang conference high na 35.

Pare-parehong tangan ng Boosters, Alaska Aces at Ginebra Gin Kings ang 8-5 win-loos card subalit sa quotient tie-break ay angat ang Petron sa 1.040, Alaska 1.020 habang ang Ginebra ay pumangatlo lang sa .950.

Subali’t dehado ang Boosters sa simula ng kanilang finals game dahil nasa injured list sina Rabeh Al Hussaini, Jay Washington, Joseph Yeoh at Lordy Tugade.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply