Tropang Texters target ang grandslam

PINATUNAYAN ng Talk ‘N Text na hindi tsamba ang panalo at pamamayani sa PBA Governor’s Cup nang dominahin ang crowd favorite¬† na Ginebra San Miguel sa iskor na 102-90 sa Smart Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Sa pagkakapanalo ng Tropang Texters opisyal silang nakapasok sa finals tangan 9-3 win-loss straight habang nagkapantay ang Gin Kings at Alaska Aces na kapwa tangan ang 7-5 record, habang patas din ang Rain or Shine at ang Petron Blaze sa 6-5 win-loss slate sa pagpasok sa susunod na round.

Nabuhayan ng loob ang Aces ni coach Tim Cone kasunod ng tuluyang pagsibak sa B-Med Derby Ace (3-7) sa iskor na 105-86 sa career high ni Jason Forte na gumawa ng 42 points kasunod ng 35 puntos niya laban sa Petron Blaze noong Linggo.

Muling maglalaro ang Petron Blaze Boosters laban sa B-Meg habang magsasagupa ang Rain or Shine Elasto Painters at Alaska Aces sa Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply