Tubig-ulan panlaban sa panahon ng tagtuyot

NANAWAGAN ang isang kongresista sa publiko na ipunin ang tubig-ulan para makatulong na mabawasan ang pagbaha at landslides nang sa gayun ay magkaroon ng sapat na suplay ng tubig kapag panahon ng tagtuyot.

Ginawa ni LPG/MA party list Rep. Arnel Ty ang panawagan sa pamamagitan nang inihain nitong House Resolution 1573 kung saan hinikayat din nito ang House Committee on Ecology na mag-imbestiga sa kakulangan o “inadequate performance” ng 22-taong batas ukol sa paglalagay ng mga rainwater receptacles sa lahat ng barangay.

Tinukoy ni Ty na nabigo ang mga nakalipas na administrasyon na maipatupad ang Republic Act 6715 o mas kilala bilang “The Rainwater Collector and Springs Development Act” na ipinasa ng Kongreso noon pang Marso 1989.

Nakapaloob sa Section 2 ng naturang batas na: “The Department of Public Works and Highways shall, within 30 days after the approval of this Act, undertake the construction of water wells, rainwater collectors, development of springs and rehabilitation of existing water wells in all barangays in the Philippines in such number as may be needed and feasible, taking into consideration the population, hydrologic conditions, costs of project development and operations, financial and economic factors and institutional arrangements.”

Sinabi ni Ty na dahil sa matinding pagbabago ng klima ay malaking bahagi ng bansa ang apektado ng sobrang pag-uulan at sobrang tagtuyot naman kapag tag-araw.

Base aniya sa ulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nasa 72.9% ng Metro Manila at nasa pagitan ng 68- 90% ng lupa sa may 19 probinsiya ang bukas sa panganib o “susceptible” sa landslides.

Sa nasabing report, tinukoy ng DENR na kasama sa 19 probinsiya ang Misamis Occidental (90.3%); Quirino (87.1%); Bulacan (86.7%); Basilan at Bukidnon (kapwa 84.7%); Surigao del Norte (82.6%); Quezon (82.1%); Camarines Sur (78.6%); Lanao del Norte (77.6%) Camarines Norte (77.4%); Zamboanga del Norte (77.3%); Northern Samar (74.5%); Pampanga (74.4%); Pangasinan (71.5%); Davao Oriental (70.9%); Southern Leyte (70.1%); Aurora (68.9%); North Cotabato (67.9%); at Sulu (67.4%).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply