Tulak timbog sa MPD

MATAPOS makipagkasundo sa halagang P27,000 kapalit ng droga ay kulungan ang kinahantungan ng isang lalaki na umano’y tulak ng iligal na droga nang siya ay bitbitin ng mga operatiba sa isinagawang buy-bust operation sa Malate, Maynila.

Kinilala ni C/Insp. Robert Domingo, hepe ng MPD-District Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (DAID-SOTG), ang suspek na si “Erick” ng Rizal st., Muntinlpa City.

Nabatid na dakong alas-9:00 ng gabi nang maaaresto ang suspek sa isang fast food chain sa Qurino Avenue, San Andres st., Malate, Maynila.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya hinggil sa pagbebenta umano ng suspek ng shabu kaya agad na isinagawa ang operasyon at dalawang poseur buyer ang nakipagkasundo sa suspek.

Nang magkasundo sa nasabing halaga ay naging hudyat na ito upang dakpin ang suspek na ngayoy kasalukuyang pinipigil ng MPD-DAID-SOTG at nahaharap sa kaukulang kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply