Tulay, lansangan sa Cagayan sarado na

DAHIL sa matinding hagupit ng bagyong Mina, barado na ang mga tulay at lansangan nang maputol at mabuwal ang mga punong kahoy sa lalawigan ng Cagayan

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Regional Director Nestor Marallag, hindi na ngayon madaanan ang Abusag at Bagunot Bridge sa bayan ng Baggao Cagayan, Tawwi Bridge at Pinacanauan over flow bridge sa bayan ng Peñablanca, Cagayan at ilang lansangan sa bayan ng Solana, Cagayan.

Hindi naman apektado ang daloy ng trapiko patungo at palabas ng Metro Manila at papasok  at palabas sa probinsya ng Ilocos Sur.

Sinabi ni Gonzaga Mayor Pentecostes at Sta. Ana Mayor Darwin Tobias, unti-unti na nararamdaman sa kani-kanilang lugar ang epekto ng bagyong Mina at kasalukuyan ay mayroon nang kalakasan ang paghambalos ng hangin at may kalakasan na rin ang nararanasan nilang ulan.

May ilang mga sanga at puno na rin ng kahoy ang nabuwal at ilang mga bubong ng bahay ang tinangay ng hangin. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply