Tulog na komite, ibinigay kay Koko Pimentel

DAHIL masyado nang huli sa partihan ng makakatas na komite, walang nagawa ang Senado kundi bigyan ang bagong saltang si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ng isang natutulog na komite at isang bagong nilkhang lupon.

Sa mosyong inihain ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III, inaprubahan ng Senado ang paghirang kay Pimentel bilang chairman ng Senate committee on games, amusement and sports.

Ilang taon ding hinawakan ni Sen. Manuel “Lito” Lapid ang naturang komite, ngunit bihira itong magpatawag ng hearing sa mga panukalang batas o resolusyon na nakahain o kahit nabulgar ang anomalyang P1-bilyon kape ng Philippine Gaming and Amusement Corp. (Pagcor).

Ibinigay din kay Pimentel ang sub-committee on electoral reforms na dating nasasakop ng Senate committee on constitutional amendments, revision of codes and laws ni Sen. Miriam Defensor Santiago.

Ang sub-committee ay ginawa nang bagong major committee upang pamunuan ni Pimentel.

Nahirang din bilang miyembro ng mahigit sampung komite si Pimentel.

Sinabi ni Sotto na wala nang maibibigay na komite para kay Pimentel dahil sa wala nang senador ang gustong mamigay ng kanilang committee chairmanship.

“Yun na yun plus memberships in many committees,”ani Sotto.

Ang mga komiteng dating pinamunuan ni dating Sen. Juan Miguel Zubiri ay hindi naman napunta kay Pimentel, tulad ng committee on environment and natural resources at committee on cooperatives,

Ang mga panukalang batas naman na pangunahing iniakda ni Zubiri ay ibinalik sa committee on rules samantalang ang mga panukala kung saan co-author ang dating senador ay ibibigay na lamang sa co-author ng dating mambabatas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply