Tuloy ang sibakan sa PAL employees

ITUTULOY na ng pamunuan ng Philippine Airlines ang spin off o pagsibak sa higit dalawang libo nitong empleyado.

Ayon kay PAL President Jaime Bautista, partikular na masisibak ay mga empleyado mula sa catering food service at call center reservation unit ng kumpaniya.

Hanggang Setyempre-31 nalang maaaring magtrabaho ang mga ito sa PAL habang hanggang Setyembre-9 naman ang palugid sa pagtanggap sa alok ng PAL na pagkakaroon ng trabaho sa mga napiling service provider.

Ang naturang desisyon ay inilibas matapos katigan ng Malakanyang ang desisyon ng PAL na tanggalin sa serbisyo ang mga naturang empleyado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply