Tuluy-tuloy na panunuwag ng Stags

BINUNO ng San Sebastian College Recoletos ang Emillio Aguinaldo tungo sa unang panalo sa second round ng elimination ng 87th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City kahapon (Lunes, Agosto 22).

Ang pagpapasaludo ng Stags sa Generals, 99-63, ay kasunod ng paglagot sa walong magkakasunod na pananalasa ng defending champions San Beda Red Lions sa manipis na 70-68 noong Biyernes. Sa Perpetual Help Altas ibinaling ang ngitngit ng Mendiola cagers ni coach Frankie Lim ng irehistro nila ang katulad na unang panalo sa second phase sa iskor na 69-55.

Ang sampung kabit-kabit na pagwawagi ng Stags na tinatanganan ni coach Topex Robinson ay ang pinakamahaba mula ng simulan ang serye na may 19 pagtatagumpay. Isang career record na 34 points ang ibinuslo ni Calvin Abueva habang sariling record na 25 rebounds ang hinablot ni Ian Sangalang bukod sa kanyang inambag na 18 puntos.

Pinabagsak naman ng Red Lions ang Perpetual Help para makaagapay sa Stags tangan ang 9-1 win-loss slate.

Banggaan sa pagitan ng San Juan de Letran Knights (7-2) at ng Arellano Chiefs (3-6) ang tampok bukas ng makapananghali na susundan ng Mapaua Cardinals (3-6) at ng St. Benilde Blazers (4-5).

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply