Tutol sa RH bill walang pakialam sa mahihirap — BBM

NAIS ng LGUs na makapagbigay ng serbisyong Reproductive Health  sa mga mahihirap nilang nasasakupan subalit walang legal na mekanismo para gawin ito.

Ayon kay Sen. Bongbong Marcos sa isang plenary debate patungkol sa RH bill, sinusuportahan niya ang RH bill dahil sa kanyang karanasan sa lokal na pamamahala bilang gobernador  na kahit naisin tumulong sa mga mamamayan ay tinik sa LGUs ang isang hakbangin kung walang malinaw na alituntunin at pondo ang mga LGUs na magbigay serbisyo tulad sa mga kaso ng Reproductive Health.

Minaliit naman ni Ramon San Pascual, executive director ng Philippine Legislators Committee on Population Development Foundation Inc. ang mga senador na hindi sang-ayon sa RH bill sa pangunguna ni Sen.Tito Sotto, na walang prinsipyo at nakikayon lamang sa agos, na “insensitive”sa dinaranas na kahirapan ng mga tao dahil sa malalaking pamilya at patuloy na paglobo ng populasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply