Two timer na Pinay pinatay ng two lover

DINAKIP ng pulisya ang dalawang Malaysian na kapwa karelasyon ng Pinay domestic helper na kanilang pinatay may isang buwan na ang nakalilipas sa Petaling Jaya.

Kinumpirma ni Petaling Jaya district police in charge Arjunaidi Mohamed na love triangle ang motibo sa pagpatay ng dalawang suspek sa biktima na hindi iniulat ang pangalan.

Sa imbestigasyon, napagkasunduan ng dalawang suspek na patayin na lamang ang biktima dahil sa matinding galit at selos.

Matapos ang pagpatay, ninakaw pa nila ang iPad ng amo ng biktima.

Nabatid na noong Hulyo 23, natagpuan ang bangkay ng biktima sa lansangan ng Jalan Gasing sa Petaling Jaya.

Nitong Huwebes, Agosto 11, 2011, dakong 10:15 ng gabi nang arestuhin ang mga suspek ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Batay sa ulat na ipinalabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), alas-10:15 ng gabi ng Huwebes, Agosto 11, 2011 inaresto ang mga suspek sa Jalan Ipoh.

Wala pang ipinalalabas na ulat ang DFA hinggil sa repatriation ng biktima pati na ang pahayag ng pamilya nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply