U.S. citizen naholdap gamit ang toy gun

HINDI akalain ng isang turistang U.S. citizen na toy gun ang ginamit ng isang holdaper na tumangay sa kanyang P50,000 matapos siyang holdapin Biyernes ng hapon, Agosto 26, sa Pasay City.

Mapalad pa rin ang biktimang si Bruce Leslie Mayers, 61, nang madakip ang suspek na si Edgar Nolasco, 26, residente ng F.B. Harrison ng nabanggit na lunsod.

Agad naman naibalik sa biktima ang salapi nang maaresto ng mga miyembro ng Pasay City Traffic and Parking Office na sina Joe Manio ,54, at Joel Yaba ang supek.

Batay sa pahayag ng biktima ang insidente ay naganap dakong alas-2:20 ng hapon sa kanto ng Cuneta Avenue, na nasa F.B. Harrison St., nang tutukan siya ng baril ng suspek at pilit na kinuha ang hawak niyang plastic bag na naglalaman ng salapi.

Dahil sa matinding takot at sa pag-aakalang tunay ang nakatutok na baril ay agad niyang iniabot ang hawak na plastic bag.

Nang patakas na ang suspek, humingi ang biktima ng saklolo sa dalawang traffic enforcers na nagmamando ng daloy ng trapiko sa naturang lugar at hinabol ang suspek bitbit ang nakulimbat na salapi at pekeng baril.

Ang suspek ay nasukol at nabawi ang ninakaw na salapi sa dayuhan. Nang masakote ng suspek natuklasan ang ginamit na baril sa panghoholdap ay isang replica ng pistol na gawang China.

Ang suspek ay dinala sa tanggapan ng Pasay City Police at sinamapahan ng kasong robbery. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply