UAE tigok sa Gilas

NABUHAYAN ng loob ang Philippine Basketball Team-Gilas Pilipinas matapos talunin ang team ng United Arab Emirates (UAE) sa salpukan nila sa 33rd William Jones Cup sa New Taipei City, Taiwan kanina.

Tinalo ng Gilas Pilipinas ang UAE, 95-60 na nagpalakas sa kampanya ng Pinoy upang makapasok sa semifinals ng Jones Cup.

Dahil sa panalo, tumaas ang  record ng Gilas Pilipinas sa apat na panalo at dalawang  talo upang lumamang ng isang panalo kontra sa humahabol na two-time defending champion Iran at Jordan sa eight-nation tournament.

Makakalaban ng Gilas sa closing ng preliminary round bukas, Biyernes ang Japan.

Nanatiling walang panalo sa tournament ang UAE na haharapin naman ang Malaysia sa kanilang finals match.

Nalasap ng Gilas ang kanilang dalawang pagkatalo sa kamay ng  South Korea at Jordan samantalang tinalo naman nila ang UAE, Malaysia, Iran at Chinese Taipei.

Target ng Gilas na makapasok sa final four ng tournament upang makalaro sa semi-final round.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply