Travel warning ng UK vs Mindanao tuloy

NAGPALABAS ng travel warning ang United Kingdom na nagpapayong iwasan ang pagpunta sa ilang bahagi ng Mindanao kasunod ng naganap na pagsabog sa Cotobato Ciaty na ikinamatay ng dalawang katao at pagkasugat ng sampu pang iba.

Batay sa pahayag ng UK Foreign Commonwealth Office (UK-FCO), ang travel warning na ipinalabas noong Agosto 4 ay nananatiling epektibo hanggang ngayon dahil sa patuloy na terorismo at kidnapping sa katimugang bahagi ng Pilipinas.

“We advise against all travel to South West Mindanao and the Sulu archipelago covering the following areas of the Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM), including the islands of Basilan, Sulu and Tawi-Tawi,” pahayag ng UK.

Tinukoy ang mga lalawigan ng  South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani, na pawang nasasakupan ng Central Mindanao region.

Kabilang sa mga kanugnog na probinsya ng mga ito ang Lanao del Norte, Zamboanga del Sur at Zamboanga Sibugay.

Kaugnay nito, nagpayo ang UK na mag-ingat sa mga pag-atake ng mga terorista laban sa mga inosenteng sibilyan.

Batay sa pahayag ni Lt. Col. Prudencio Asto, spokesperson ng 6th Infantry Division, ang pagpapasabog ay kagagawan ng mga hinihinalang Indonesia-based terrorist group na Jemaah Islamiya, bagama’t wala pang umaako dito.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply