Umaapaw ang mga ospital sa dengue

MARAMI nang ospital ang umaapaw sa pasyente dahil sa sakit na dengue.

Sa Metro Manila, ang Quezon City General Hospital at San Lazaro Hospital ang umaapaw.

Ganito rin ang mga ospital sa Pangasinan, La Union at Ilocos Sur.

Puno naman ang iba pang ospital gaya ng ilan sa Cebu, Bulacan, Cagayan at iba pa.

Sa Metro Manila lamang, mahigit nang 11,000 ang biktima.

Libo-libo rin ang tinatamaan sa iba’t ibang lalawigan.

Sa kabuuan, mahigit nang 56,000 ang natatamaan simula noong Enero at nasa 321 na ang namamatay.

oOo

Hindi biro-biro ang sakit na ito.

Bukod sa malaking halagang ginagastos ng mga pamilya at pamahalaan, napakahirap isipin kung ano ang nagaganap sa buhay ng mahigit 56,000 pamilyang inaatake ng sakit.

Nauubos ang kanilang naiipon kung mayroon man.

Ang iba’y nalulubog sa katakot-takot na utang.

Naibebenta o naisasanla naman ng iba ang kanilang mga bahay, kalabaw, lupa, traysikel at iba pang mahalaga at batayan nilang pag-aari at gamit para mabuhay.

oOo

Ano-ano ang ginagawa ng pamahalaan?

Op kors, todo puyat at pagod ang mga doktor, nars at iba pang nanunungkulan sa mga ospital.

Nagbubuhos naman umano ang gobyerno ng malaking pondo para sa gamot at mga serbisyo sa mga biktima.

Pero totoo naman kaya ang huling punto?

Nagtatanong tayo dahil sa totoo lang, ang mga pamilya pa rin ang tunay na gumagastos sa kanilang pagkakasakit at hindi ang pamahalaan.

Hindi nadarama ng nakararami sa mga biktima ang pagkalinga ng pamahalaan sa kanilang kagipitan at kamatayan.

Ang ayuda nina PNoy ay hindi pa nadarama.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply