Umatras ang ibang Pinoy: 35 OFWs sa Libya inilikas na

TINATAYANG 35 sa 91 Overseas Filipino Workers (OFW) sa Libya na naghayag ng kagustuhang ma-repatriate ang sumama sa paglikas mula sa kaguluhan sa naturang bansa.

Ayon sa panayam ng DZMM kay Philippine Ambassador to Libya Alejandrino Vicente, marami sa mga OFW doon ang nagbago ang isip sa kahit pa patuloy ang bakbakan ilang siyudad doon at paghahanap ng mga rebelde kay Libyan leader Moammar Gadhafi

Nabatid na nakarating na ng tripoli port ang mga Pinoy at nakatakda silang sumakay ng barko ng International Organization for Migration patungong Alexandria, Egypt kung saan sasalubungin sila ng mga tauhan ng Philippine Embassy.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply