Umbok ni Cristine Reyes at Musika ni Sonny Parsons

MAPAPANOOD na ang alindog at umbok ni Cristine Reyes sa original video version nito na “Tumbok” na pinilahan nang husto sa mga sinehan ng madlang pipol. Sa direksyon ni Topel Lee, ang nasabing pelikula ay tumutukoy sa anumang tirahan na nakatayo kung saan nagsasalubong ang tatlong kalsada.

Ang sinumang nakatira sa tumbok ay sinasabing lapitin ng malas tulad ng sakit, aksidente, pagkawala ng mga ari-arian, pagkasira ng relasyon at ang pinakamatinding sumpa sa lahat ay ang malagim na kamatayan.

Sa ganitong sitwasyon umiikot ang kwento nina Cristine Reyes at male lead na si Carlo Aquino simula nang manirahan sila sa minana nilang condo unit.

Maraming kababalaghan at katatakutan ang magaganap sa buhay mag-asawang bagong kasal. At dahil dito, buong tapang nilang aalamin ang misteryo na bumabalot sa tinatawag nilang tahanan. Sa huli, matatakasan pa kaya ni Grace at Ronnie ang kamalasang kakambal ng tumbok?

Mula sa Viva Films, mabibili na ang ito sa VCD at DVD sa mga pangunahing video stores nationwide.

***

KAMAKAILAN lang ay nakipag-face off si Sonny Parsons ng phenomenal all-male sensation singing group of the 70s to 80s na Hagibis at ang kanyang bagong tatag na Mucho Macho band sa international series of shows ni Bobby Kimball, front-liner ng internationally-acclaimed at Grammy awardee na Toto band held at SMX, Mall of Asia.

Nag-iisang survivor si Parsons sa Hagibis. Ang karamihan ay lumobo nang husto at ang isa ay sugapa pa rin sa droga. Ganun din exactly ang nangyari sa grupo ni Kimball na Toto pero binubuhay ng huli ang tunog ng Toto para sa kanilang mga fans out on his own.

Si Parsons naman ay binubuhay niya ang tunog ng Hagibis via Mucho Macho band na formally ilo-launch sa Hard Rock Café-Makati ng producer na si Danny Samonte on Aug. 13. May mga overseas bookings na rin sila.

Meanwhile, all systems go for the tribute to the phenomenal TV icon Pepe Pimentel of “Kwarta O Kahon” fame initiated also by Parsons’ Pageant Philippines in partnership with Divine Government of God (DGG) on Aug. 21, Sunday, sa Metro Bar, Q.C. Siguradong babahain ng mga kilalang recording artists at movie stars led by Christopher de Leon and company.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply