Umbra Kato idineklara nang ‘bughaat’ ng MILF

IKINONSIDERA nang “bughaat” o rebelde ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) si Commander Ameril Umbra Kato at mga kasamahan nito sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ang deklarasyon kay Kato ay batay sa resolution number 03 – 06 series of 2011 ng MILF central committee matapos bigyang kunsiderasyon at i-adopt ang pasya ng Assembly of the Ulama.

Nakasaad sa resolusyon na hindi na kasapi ng MILF si Kato at mga kasamahan nito maliban na lamang kung agad nitong tatapusin at ihihinto ang mga aktibidad na naglalayong  i-discredit at sirain ang lehitimong pamunuan ng MILF.

Ayon sa resolusyon, kailangan ding magbalik loob sa MILF ang grupo ni Kato.

Kinakailangan din muling magpulong ang Assembly of the Ulama nang hindi lalagpas sa sampung araw matapos ang Ramadan para pag-usapan ang mga pamamaraan para mapanatili ang pagkakapatiran, pagkakaisa, kooperasyon at dignidad sa pagitan ng liderato ng MILF at mga miyembro nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply