Umbra Kato walang bigat sa GRP-MILF peace talks

IPINANGALANDAKAN ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na walang bigat sa GRP-MILF peace talks ang grupo ni Umbra Kato.

Binigyang diin ni MILF Vice Chair For Political Affairs Gazali Jaafar na napakaliit lamang ng grupo ni Kato na may 300 miyembro para makagulo o maging sagabal sa GRP-MILF peace talks.

Sinabi ni Jaafar na walang dapat ipangamba ang gobyerno na makabigat sa peace talks ang grupo ni Kato na  walang structure of command, walang code of ethics at walang sinusunod na guidelines.

Iniulat na sa Agosto 22 muling itinakda ang peace talk ng magkabilang panig.

Unang inamin ng Malacañang na posible ang peace agreement sa MILF at magkaroon ng panibagong negosasyon sa breakaway group na si Kumander Ameril Umbra Kato.

Pero mabilis namang nilinaw ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na pag-uusapan pa ito sa pagpapatuloy ng formal peace talks sa Agosto 22-24 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinabi ni Lacierda na aalamin ni government chief negotiator Marvic Leonen sa mga counterpart kung ano talaga ang status ni Umbra Kato.

Una nang sinabi ni Jafaar na isa nang renegade commander si Umbra Kato hangga’t hindi nagpapasailalim sa central committee.

Ayon kay Lacierda, dapat malinawan ang isyu para maging basehan ng AFP sa gagawing operasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply