‘Unkabogable’ star si Vice Ganda

NAGKAROON ng solo presscon ang “The Unkabogable Star” Vice Ganda para sa SUPER-UNLIALLTXT25, ang newest offer ng Globe Prepaid na puwedeng-puwede na gamitin sa lahat ng networks.

Sinabi ni Vice na minsan ay nagkakaroon din siya ng day-off sa showbiz sa kabila ng sunod-sunod na trabaho niya.

“Gumigimik pa rin ako.’Yung pag karaniwang ginagawa ko nu’ng hindi pa ako busy. “Binabalikan ko ‘yun kasi ‘yun ang nami-miss ko, e! Kasi kung paulit-ulit din ang ginagawa mo, nakakabagot. Ginagawa ko ‘yung paglabas-labas with my friends, ‘yung pupunta sa mga clubs-clubs, sayaw-sayaw, ganoon, pagpupuyat. ‘Yun, gustung-gusto ko ‘yung nagpupuyat ako. Nginangarag ko ang katawan ko,’yun ang gusto ko,” sey niya sabay tawa.

Masayang ibinalita ni Vice na after 13 episodes ay na-extend ng another seven episodes ang ‘Gandang Gabi Vice’.

“Since maganda ang reception at feedback na nakuha namin, maganda ‘yung ratings, in-extend na nila, kaya happy naman ako kasi after ng 13 episodes, sige tama na rin para ..hayaan na nating mataas ang ratings, iiwanan na natin pero nabitin din ako. Sabi ko tapos na pala ang 13 episodes parang ang bilis, hindi ko masyadong damang-dama, sige extend pa tao ng konti pero hindi sa point na-i-saturate naming pa-waley na ‘yung show, e, ipinipilit pa rin.

“Sabi ko nga, pag nararamdaman natin na kailangan na ng something, mag-usap-usap tayo ulit. Pero ngayon naman, wala pang masyadong sakit ‘yung programa kaya puwede pa ituloy,” bulalas pa ni Vice.

Gusto ni Vice na maging guests at katsikahan sa show ay sina Kabayang Noli De Castro at Joey De Leon.

Hindi pa rin nawawala ang isyu na lumaki ang ulo ni Vice at nagpaliwanag siya tungkol dito.

“May nabago sa pamumuhay ko pero sa pagkatao ko at pag-uugali ko, walang nabago. “Ever since, ganito na talaga ko. Maaaring may ganoon silang isinusulat at sinasabi sa akin dahil isa lang naman ang dahilan, hindi nila ako gusto kaya hindi nila ako naiintindihan,” aniya pa.

May panahon pa ba sa lalaki si Vice?

“Naglalaan po ako ng sapat na panahon para sa lalaki. Prangkahan na, pag hindi ako nanlalaki, paano pa ako naging bakla? Nanlalaki pa rin po ako.

Ibinibigay ko po ‘yan sa sarili ko. ’Yan ang nagpapaligaya sa akin.

“Lalo na ngayon na kayang-kaya ko nang manlalaki bakit hindi ko ibibigay? Napagkaitan na nga ako dati, di kunin ko na lahat ng ipinagkait sa akin,” deklara pa niya.

Tinanong din kung sino sa mga actor natin ang babayaran niya para matikman kung saka-sakali?

“Si Derek Ramsay pero hindi naman papayag ‘yun, e! Pero kung saka-sakali, si Derek Ramsay, itotodo ko na. sarap ‘yun, no?,” pahayag pa niya sa leading man niya sa “Private Benjamin” na hubad kung hubad ang eksena nila.

“Pero mas nararamdaman ko ang kilay ni Angelica Panganiban,” bawi pa niya.

Talbog!

-0o0-

“IF I get the chance to direct Toni (Gonzaga) gusto ko parang… action, ang gusto ko parang Angelina Jolie na Salt. Parang ‘Tomb Raider,’ mga ganyan. I think hindi pa siya ginawan ng action e, so Toni Gonzaga in an action movie is something maybe worth exploring,” bungad ni direk Paul sa presscon ng “Thelma” na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

May love scenes si Angelina sa ‘Salt.’

Natawa si Direk Paul bago sinabing: “Kung gusto niya, kung gusto niya. Alam ko naman na that’s part of the job, e. If there’s ever a time na magla-lovescene siya or kissing scene, part of the job, e.”

He can handle that?

“Oo naman! I think I can. In her last few movies, especially Amnesia Girl, medyo nag-kissing… maraming kissing [scenes] siya with John Lloyd [Cruz].”

Pero kung siya ang magdi-direk ng mga kissing scenes ni Toni…

“Well, honestly I dunno. Si Guy Ritchie ginawa niya yan kay Madonna.”

“I really believe at the end of the day, our trust is strong and when we get to that bridge, we’ll find out kung talagang matibay ang trust namin.”

Halimbawang matuloy ang  movie ni Toni na ididirek niya, sino ang gusto niyang maging leading man ng GF niya?

“Honestly her team up with John Lloyd sa Amnesia Girl, I really love it . Vhong Navarro, they have great chemistry and maybe Sam Milby. Of course you cannot go wrong with Sam and Toni.

“Actually it would be nice to see them in a more mature kind of film, coz I think they’re both mature actors now.

“Honestly maybe si Bossing, si Vic Sotto.”

May plano na sana na pagsamahin sa isang pelikula sina Toni at Vic.

“Oo! I was excited for that pero I know it didn’t work out pero I’m sure in the future it would be nice to see Bossing and Toni in a movie together.”

Na-shocked daw si direk Paul sa itsura ni Toni sa movie na “Wedding Tayo, Wedding Hindi.”

“Hindi naman.. good shock! A good kind of shock kasi iba ang look niya e, di ba? The whole time she was doing the movie, I didn’t know her looks, she didn’t show me any pictures, any mga behind the scenes. Oo tinago niya kasi gusto niya i-surprise ako, e. And when I finally saw the trailer, nakita ko, ‘Uy medyo iba!’  Which is good kasi as an actress it’s always good to do different things.

“I’m looking forward to see Wedding Tayo Wedding Hindi coz I know si ate Uge [Eugene Domingo] din magaling sa comedy, so I’m sure their timing together, sobrang blockbuster yan!”

Anyway, ang Thelma ay presented ng Time Horizon Pictures in cooperation with Abracadabra Productions and Underground Logic, distributed by Star Cinema. Ipapalabas ito sa September 7.

Nasa pelikula rin bukod kay Maja (bilang si Thelma) sina Jason Abalos, Tetchie Agabayani, John Arcilla, Eliza Pineda, Sue Prado and with the special participation of Elma Muros as Thelma’s trainer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply