UP dinagsa ng mga estudyante

TINATAYANG nasa libong bilang ng mga estudyante ang dumagsa ngayon, Sabado, sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City para sa taunang College Admission Test (UPCAT) para makapag-aral sa prestihiyosong state university.

Maghigpit ang inilatag na seguridad sa loob ng UP campus kung saan sinimulan ang unang araw ng unang batch ng kukuha ng eksaminasyon.

Karamihan sa mga estudyante ay sinamahan ng kanilang mga magulang na umanoy pawang kinakabahan sa kahihinatnan at magiging resulta ng pagsusulit kung ang mga ito ay papasa o hindi.

Nagsikip din ang daloy ng trapiko sa paligid ng campus ng UP-Diliman dahil sa pagdagsa ng mga estudyante at mga kasama nila.

Batay sa ulat, nasa average na 60,000 mga estudyante ang kumukuha ng UPCAT kada taon ngunit malayo pa sa kalahati ang nakapapasa.

Noong 2009, 10,000 lamang ang pumasa sa UPCAT habang 13,000 naman ang nakapasa noong nakaraang taon.

Bukas, Linggo, ay inaasahang isusunod ang ikalawang batch ng mga estudyanteng kukuha rin ng pagsusulit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply