UPDATE: 15 pulis na sibak sa ‘chili hazing’

TUMAAS pa sa 15 mga pulis ang sinibak sa pwesto dahil sa pagkakasangkot sa hazing ng police trainees sa Camp Eldridge sa Laguna.

Kinumpirma na ng binuong Philippine National Police (PNP) Special Investigation Task Force ang hazing na ginawa sa mga police trainees na nakunan sa video.

Sa video, nakitang nakapiring ang mga mata at naka-underwear lang ang mga trainee habang pinapahiran ng mga instructor ang mga ari at puwet ng dinikdik na siling labuyo.

Inilagay na sa restrictive custody ang 15 pulis na kakasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law at grave misconduct kapag napatunayang nagkasala.

Pawang may ranggong Police Officer 1 (PO1) ang mga suspek na kinilalang sina Roque Oro, Evan Mark Cuartero, Jhun Pionelo, Melvin Malihan, Rovylyn Addatu, Marfe Adier, Allan Pascua, Troy Sumayod, Randy Nabayra, Jodgi Vergara, Ezel Parpa, Ramil de Guzman, Crisanto Victorio, ALberto Umali at Arnel Yadis.

Sinabi ni Chief Supt. Gil Meneses, Regional Director, Police Regional Office Region IV-A, na sa grave misconduct, ang minimum penalty ay suspension, sumunod ang demotion at ang pinakamabigat ay dismissal.

Posible rin namang madawit ang course director at company commander dahil sa command responsibility.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply