UPDATE: 2 na patay sa salpukan ng 2 barko

DALAWA na ang patay sa pitong tripulante na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard at iba pang rescue team sa naganap na salpukan ng MV Banker Carrier 1 at MV Puccini na mula sa Hong Kong.

Sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng  Philippine Coast Guard naipit kaya hindi na makalabas sa ilalim ng lumubog na barko sina Juanito Minoy, chief engineer at Edward Paller, 21-anyos.

Nabatid na namatan ang dalawa sa malapit sa may engine room subalit hindi pa magawang makukuha ang  bangkay ng mga biktima dahil nahihirapang maabot ang kanilang kinalalagyan ng  mga scuba divers.

Kaugnay nito ay pinangangambahang magkaroon din ng oil spill sa karagatang sakop sa Saranggani bay dahil nagsisimula nang kumalat ang leak sa paligid ng kinalubugan ng barko.

Kaninang umaga ay itinuloy ang paghahanap sa pitong crew ng MV Banker Carrier 1 na may kargang mais.

Sa ulat na isinumite, nagkasalubong umano ang papalabas na Banker Carrier  1 na papuntang Dumaguete City ang papasok na MV Puccini na nagmula naman sa Davao galing Hong Kong.

Hindi umano nakayanan ng mas maliit na Banker Carrier ang impact dahil mas maliit ito kaysa sa nakasalpukang MV PuCcini na may 17 crew kaya agad na lumubog ang barko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply