UPDATE: 3 na patay sa Sultan Kudarat landslide

TATLO na ang nasasawi habang mahigit sa 100 mamamayan ang lumikas sa kani-kanilang tahanan sa naganap na landslide at flashfloods sa Purok 10, Barangay Kinayao, Bagumbayan, Sultan Kudarat na nagsimula Biyernes ng hapon.

Ang mga namatay ay kinilala ni Bagumbayan Mayor Bernardita Bito-onon na sina Teresita Albanses, 49, anak nitong si Daisy, 9, at ang narekober kanina ang labi ni Kristin Olivar, 3.

Sinabi ng alkalde nagpadala na ng bigas at iba pang pagkain para sa mga nagsilikas sa Kinayao Elementary School.

Bago ito, 15 bahay at maraming pananim ang nabaon sa lupa habang ang mga alagang hayop ay tinangay ng rumaragasang tubig-baha.

Patuloy pa rin ang clearing operations ng mga kinauukulan at ina-assess na rin ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng Bagumbayan ang nangyaring trahedya.

Ayon sa mga awtoridad ang malakas na ulan ang dahilan kung bakit bumigay ang bahaging iyon ng bundok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply