UPDATE: 3 namatay sa nasunog na barko kilala na

KILALA na ang tatlong namatay sa nasunog M/V Island Fast Craft sa Cebu City kahapon.

Ang mga biktima ay sina Capt. Lucrecio Ibañez, Port Captain ng Island Shipping Corp., na sina Matea Infiesto, 62; Nicetas Cabrera, 73, kapwa ng Lagsing, Bacani Clarin Bahol, at Chief Mate Abelardo Torrevillas, Sr., 57, ng 72-P Beldeol St., Tagbilaran City, Bohol.

Batay sa report ni Phil Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ramon Liwag, ang insidente ay nagsimula sa engine room ng barko, kung saan ay lumubog din ito dahil sa matinding pinsala na dulot ng sunog.

Napag-alaman pa na  hindi inaasahan ang ganitong pangyayari sa nasabing barko dahil base sa klasipikasyon ang barko ay may mataas na safety standards.

Nagbaba na rin ng kautusan para sa malalimang imbestigasyon sa insidente sa pakikipagtulungan na rin ng Maritime Industry Authority.

Ayon naman sa mga paunang ulat, isang M/V Sea Jet, na napadaan sa lugar ng pinangyarihan, ang sumagip sa may kabuuang 71 na katao kasama din ang pitong tripulante ng nasunog na barko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply