UPDATE: 61 na patay kina ‘Juaning’ at ‘Kabayan’

UMAKYAT na sa 61 ang namamatay sa pananalasa ng mga bagyong Juaning at Kabayan sa bansa.

Sa bagyong Juaning, pinakahuling nadagdag sa talaan ang lima katao sa Region 5 kung saan umabot na sa 41 ang namatay.

Sa pinakahuling report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nasa 51 naman ang nasugatan at 89 pa ang nawawala sa kalamidad.

Nasa P1.7 bilyon naman ang halaga ng pinsala kung saan P1.24 bilyon sa imprastraktura at mahigit P521 milyon sa agrikultura.

Sa bagyong Kabayan, umakyat na sa apat ang bilang ng mga namatay.

Pinakahuling nadagdag sa tala sina Junrey Potat, apat na taong gulang at Princess Joy Potat, dalawang taon, kapwa natabunan ng gumuhong lupa sa Barangay Lincod, sa Maribojoc, Bohol.

Ang dalawang iba pa ay sina Liberato Yumul, 40 at Jason Reyes, 30, kapwa fishpond workers na namatay sa paglubog ng bangka, sa Hagonoy, Bulacan.

Lumobo rin sa lima ang nasugatan sa bagyo na kinabibilangan ng isa sa Paombong, Bulacan na tinamaan ng buhawi at apat sa Bohol dahil sa landslide.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply