UPDATE: 70 na patay sa bagyo, 17 missing

UMAKYAT na sa 70  ang death toll na naitala sanhi ng mga bagyong tumama sa Pilipinas kabilang sa datos ang apat na namatay dahil sa bagyong Kabayan, habang 66 naman ang iniwang patay ng tropical storm Juaning (international code: Nock-ten), habang 17 ang nawawala ayon sa pinakahuling ulat  ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ayon sa NDRRMC isinama na sa kanilang data ang bangkay ni Ricardo Blancaflor ng  Dalahican, Lucena City na natagpuan sa  Marinduque, habang siyam na bangkay naman ay nagmula sa mga namatay sa lumubog na F/B Hope Christy sa Masbate.

Pinakamataas na bilang sa namatay ay naitala sa Bicol region na may 49, Cordillera Administrative Region na may lima, Calabarzon  4 at Marinduque tatlo.

Habang tig-isa naman sa Nueva Ecija, Iloilo, Siquijor, Leyte at Las Piñas.

Ayon sa NDRRMC posible pang lumobo ang death toll kay Juaning dahil nanatili pa ring missing ang may 17 katao, habang nanatiling apat lamang na itinalang biktima ni Kabayan.

Kamakalawa ay may 10  bangkay ng mga mangingisda ang narekober ng awtoridad mula sa lumubog na fishing boat sa Roxas City.

Tinataya ring nasa mahigit P1-billion ang halaga ng pinsalang idinulot ni “Juaning” sa sektor ng imprastraktura.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply