UPDATE: Hangin, ulan sa Cagayan Province bahagyang humina

NAKARARANAS pa rin ng mga pagbugsu-bugsong hangin ang at ulan ang probinsya ng Cagayan ngayong hapon (Sabado, Agosto 26).

Ayon sa ulat, hindi na kasing-lakas ang paghampas ng hangin ngayon kung ikukumpara sa hangin kaninang umaga.

Kaugnay nito, batay sa nakalap na impormasyon ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC), maliit pa lamang pinsala ni bagyong Mina.

Higit na tinututukan ngayon ang Calayan Group of Islands na posibleng tamaan ng bagyo habang ito ay papalayo.

Binabantayan din ang Cagayan River, na ayon sa mga kinauukulan ay nasa normal o mababang lebel pa ang tubig.

Samantala, isang bahay ang tuluyang nawasak kaninang umaga habang siyam na bahay ang nagtamo ng pinsala dahil sa pagbayo ng hangin sa Barangay 1 sa Moises Padilla, Negros Occidental. Ang mga bahay ay pawang yari sa light materials kaya agad nasira ang mga ito dahil sa dalang hangin ni Mina.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply