UPDATE: Hostage drama sa Batangas tapos na; biktima pinalaya rin

MATAPOS na tupdin ng mga awtoridad ang hiling ng hostage-taker ay sumuko na rin ito at pinalaya ang natirang biktima.

Hiniling kanina ng hostage-taker na si Jun Pineda na nais niyang makipag-usap sa isang barangay chairman mula sa Nasugbu, Batangas na agad namang sinunod ng pulisya.

Dakong alas-4:00 ng hapon nang sumuko si Pineda at i-turn over ang kanyang .45 kalibreng baril sa mga awtoridad.

Matatandaang nang-agaw ng motorsiklo kaninang umaga si Pineda sa San Piero, Balayan, Batangas dahilan para ito ay habulin ng pulis.

Ilang minuto ring naghabulan at nagpalitan ng putok ang suspek at mga alagad ng batas hanggang sa humantong sa pangho-hostage ng suspek sa apat katao matapos na pasukin nito ang isang bahay.

Isa-isang pinalaya ni Pineda ang mga hostage matapos na sundin ng pulisya ang hiling ng suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply