UPDATE: Mga Kabataan dumagsa na sa Ateneo para sa 2011 WYD

DUMADAGSA na ang mga kabataan kahit na umuulan sa Ateneo de Manila University grounds para sa pagdiriwang ng 2011 World Youth Day ngayon (Sabado, Agosto 20) na magsisimula mamayang ala-siyete ng gabi.

Ito ay kasabay ng selebrasyon na gaganapin sa Madrid, Spain.

Tinatayang aabot na sa 3000 hanggang 4000 ang mga kabataang nasa Ateneo grounds sa ngayon.

Kabilang sa programa ng pagdiriwang na ang tema ay: Kabataang Filipino Naka-Ugat Kay Kristo,” ay prayer vigil at pagpapalabas (performance) ng mga estudyante mula sa iba’t ibang eskwelahan.

Magtatapos ang magdamag na programa bukas ng madaling araw (Linggo, Agosto 21).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply