UPDATE: Mga Pinoy pinalalayas na ng DFA sa Syria

SA PANGAMBANG madamay pa sa tumitinding kaguluhan sa bansang Syria, nanawagan ngayon, Martes ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa lahat ng Filipino na lumikas na at nakahanda ang pamahalaan sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.

Sa isang kalatas na ipinalabas ni Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, itinaas nito sa alert level 3 ang krisis sa Syria, isang hudyat para sa kusang-loob na pagbabalik sa bansa ng 17,000 Pinoy na nagtratrabaho at naninirahan sa Damascus.

Tiniyak pa ni Del Rosario na sagot ng Pilipinas ang gastusin sa repatriatio kasabay ng pagbibigay ng direktiba sa mga opisyal ng embahada sa Syria na makipag-ugnayan sa lahat ng Pinoy na nais nang umuwi sa bansa.

Nakiusap din ang kalihim sa Syrian government na gawin ang lahat ng pamamaraan upang matigil na ang kaguluhan at tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng mga mamamayan lokal man o banyaga.

“We therefore urge the Syrian government to address the Syrian people’s concerns and to immediately implement the reforms promised to them,” ayon pa sa pahayag ni Del Rosario.

Kasabay ng pagtaas ng alerto, nagpatupad na rin ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) nang pagbabawal sa mga Pinoy na magtungo doon.

Ayon kay POEA administrator Carlos Cao, pansamantalang itinigil ang pagpapadala ng mga manggagawa sa Syria hangga’t hindi humuhupa ang tensyon sa nasabing bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply